
Aralin 1: Ang Kinalalagyan at Teritoryo ng Pilipinas sa Mundo
MGA LAYUNIN
- Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo sa globo at mapa batay sa absolute na lokasyon nito (latitude at longitude).
- Nagagamit ang grid sa globo at mapang politikal sa pagpapaliwanag ng pagbabago ng hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas batay sa kasaysayan.
- Naipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon ng Pilipinas sa ekonomiya at politika ng Asya at mundo.

Aralin 2: Ang Pag-usbong ng Liberal na Ideya Tungo sa Kamalayang Nasyonalismo
MGA LAYUNIN
- Masusuri ang konteksto ng pag-usbong ng liberal na ideya tungo sa pagbuo ng kamalayang nasyonalismo.
- Matatalakay ang epekto ng pagbubukas ng mga daungan ng bansa sa pandaigdigang kalakalan.
- Maipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong ng lahing mestizo at ang pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863.

Aralin 3: Mga Pangyayari at Kilusang Nagpausbong sa Damdaming Nasyonalismo
MGA LAYUNIN
- Masusuri ang mga ginawa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan.
- Matatalakay ang kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya at ang Cavite Mutiny.
- Maipaliliwanag ang ambag ng Kilusang Propaganda sa pagpukaw ng damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Aralin 4: Ang Katipunan at ang Rebolusyong Pilipino ng 1896
MGA LAYUNIN
- Matatalakay ang pagtatag at paglaganap ng Katipunan.
- Mahihinuha ang implikasyon ng kawalan ng pagkakaisa sa himagsikan o kilusan at pagbubuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
- Masusuri ang mga pangyayari sa himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol (Sigaw sa Pugad Lawin, Tejeros Convention, at Kasunduan sa Biak- na-Bato).
- Matatalakay ang mga ambag ni Andres Bonifacio, ang Katipunan, at Himagsikan ng 1896 sa pagbuo ng Pilipinas bilang isang bansa.
- Matatalakay ang partisipasyon ng kababaihan sa Rebolusyong Pilipino.
- Mapahahalagahan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang deklarasyon ng kasarinlan ng mga Pilipino.