
Aralin 2: Ang Pilipinas Bilang Bansang Tropikal
MGA LAYUNIN
- Mailalarawan ang klima ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal ayon sa lokasyon nito sa mundo.
- Matutukoy ang mga salik na may kinalaman sa klima ng bansa tulad ng temperatura, dami ng ulan, at humidity.
- Maipaliliwanag ang pagkakaiba ng panahon at klima sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
- Maiuugnay ang uri ng klima at panahon ng bansa ayon sa lokasyon nito sa mundo.

Aralin 3: Ang Pinagmulan ng Pilipinas at ng Lahing Pilipino
MGA LAYUNIN
- Maipaliliwanag ang mga teorya sa pagkakabuo ng kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas batay sa mga teoryang Bulkanismo at “Continental Shelf”.
- Makabubuo ng pansariling paninindigan sa pinakakapani-paniwalang teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino batay sa mga ebidensiya.
- Matatalakay ang mga teorya ng pandarayuhan ng tao mula sa rehiyong Austronesian.

Aralin 4: Lipunan at Kabuhayan ng Sinaunang Pilipino
MGA LAYUNIN
- Maipagmamalaki ang lipunan ng sinaunang Pilipino.
- Matatalakay ang mga uri ng lipunan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
- Maipaliliwanag ang ugnayan ng mga tao sa iba’t ibang antas na bumubuo ng sinaunang lipunan.
- Masusuri ang kabuhayan ng sinaunang Pilipino.
- Matatalakay ang kabuhayan sa sinaunang panahon kaugnay sa kapaligiran, ang mga kagamitan sa iba’t ibang kabuhayan, at mga produktong pangkalakalan.
- Matatalakay ang kontribusyon ng kabuhayan sa pagbuo ng sinaunang kabihasnan.