
Aralin 1: Pilipinas Bilang Isang Bansa
MGA LAYUNIN
- Natatalakay ang konsepto ng bansa.
- Nakapagbibigay ng halimbawa ng bansa Naiisa-isa ang mga katangian ng bansa.
- Nabubuo ang kahulugan ng bansa.
- Naipaliliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.

Aralin 2: Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
MGA LAYUNIN
- Matutukoy ang relatibong lokasyon ng Pilipinas batay sa mga nakapaligid dito gamit ang mga pangunahin at pangalawang direksiyon.
- Matutukoy sa mapa ang kinalalagyan ng bansa sa rehiyong Asya at mundo.
- Makapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng bansa gamit ang mga batayang heograpiya tulad ng eskala, distansiya, at direksiyon.
- Matatalunton ang mga hangganan at lawak ng teritoryo ng Pilipinas gamit ang mapa.

Aralin 3: Ang Klima at Panahon sa Aking Bansa
MGA LAYUNIN
- Maiuugnay ang klima at panahon sa lokasyon ng bansa sa mundo.
- Makikilala na ang Pilipinas ay isang bansang tropikal.
- Matutukoy ang iba pang salik (temperatura at dami ng ulan) na may kinalaman sa klima ng bansa.
- Mailalarawan ang klima sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mapang pangklima.
- Maipaliliwanag na ang klima ay may kinalaman sa uri ng mga pananim at hayop sa Pilipinas.

Aralin 4: Ang Mga Katangiang Pisikal at Mga Likas-Yaman ng Aking Bansa
MGA LAYUNIN
- Maipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang maritime o insular.
- Mailalarawan ang bansa ayon sa mga katangiang pisikal at pagkakakilanlang heograpikal nito.
- Mapaghahambing ang iba’t ibang pangunahing anyong lupa at anyong tubig ng bansa.
- Maiisa-isa ang mga magagandang tanawin at lugar-pasyalan bilang yamang likas ng bansa.
- Maihahambing ang topograpiya ng iba’t ibang rehiyon ng bansa gamit ang mapang topograpiya.
- Maihahambing ang iba’t ibang rehiyon ng bansa ayon sa populasyon gamit ang mapa ng populasyon