
Aralin 1: Ang Kinalalagyan ng mga Lalawigan sa Pilipinas Ayon sa Batayang Heograpiya
MGA LAYUNIN
- Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginagamit sa mapa sa tulong ng mga panuntunan.
- Nakapagbabasa at nakapagsasagawa ng interpretasyon tungkol sa kinalalagyan ng iba’ ibang lalawigan sa rehiyon gamit ang mga batayang konseptong pangheograpiya tulad ng distansiya at direksiyon.
- Nailalarawan ang kinalalagyan ng mga lalawigan ng sariling rehiyon batay sa mga nakapaligid dito gamit ang pangunahing direksiyon.
- Naihahambing ang mga lalawigan sa sariling rehiyon ayon sa lokasyon, direksiyon, laki, at kaanyuan.

Aralin 2: Ang Aking Kapaligiran
MGA LAYUNIN
- Mailalarawan ang kapaligiran ng iba’t ibang lalawigan ayon sa katangiang pisikal nito.
- Matutukoy ang pamayanang urban at pamayanang rural.
- Masasabi ang mga katangian ng pamayanang urban at pamayanang rural.
- Maiilalarawan ang ikinabubuhay ng mga tao sa pamayanan.

Aralin 3: Mga Uri Ng Anyong Lupa
MGA LAYUNIN
- Mapaghahambing ang iba't ibang pangunahing anyong lupa ng iba't ibang lalawigan sa sariling rehiyon.
- Matutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon.

Aralin 4: Mga Anyong Tubig ng Bansa
MGA LAYUNIN
- Mapaghahambing ang iba't ibang pangunahing anyong tubig ng iba't ibang lalawigan sa sariling rehiyon.
- Matutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig sa mga lalawigan ng sariling rehiyon.
- Matutukoy ang pagkakaugnay-ugnay ng mga anyong tubig at anyong lupa sa mga lalawigan ng sariling rehiyon.