
Aralin 1: Pagkilala at Pagpapahalaga sa ating Komunidad
MGA LAYUNIN
- Nauunawaan ang konsepto ng komunidad.
- Naipaliliwanag ang kahalagahan ng komunidad.
- Natutukoy ang mga bumubuo sa komunidad.
- Naiuugnay ang tungkulin at gawain ng mga bumubuo ng komunidad sa sarili at sariling pamilya.
- Nasasabi na ang bawat bata ay may kinabibilangang komunidad.
- Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling komunidad: pangalan ng komunidad, lokasyon, mga namumuno dito, populasyon, mga wikang sinasalita, at iba pa.

Aralin 2: Ang Aking Sariling Komunidad
MGA LAYUNIN
- Nailalarawan ang sariling komunidad gamit ang mga simbolo sa payak na mapa.
- Nakikilala ang mga sagisag na ginagamit sa mapa sa tulong ng panuntunan.
- Natutukoy ang lokasyon ng mahahalagang lugar sa sariling komunidad batay sa lokasyon nito kaugnay ng sariling tahanan o paaralan.
- Nailalarawan ang anyong lupa at anyong tubig sa sariling komunidad.
- Nakaguguhit ng payak na mapa ng komunidad mula sa sariling tahanan o paaralan na nagpapakita ng mahahalagang lugar at estruktura, anyong lupa, at iba pa.

Aralin 3: Lokasyon at Klima ng Aking Komunidad
MGA LAYUNIN
- Mailalarawan ang panahon at kalamidad na nararanasan sa sariling komunidad.
- Masasabi ang iba’t ibang uri ng panahong nararanasan sa sariling komunidad (tag-ulan at tag-init).
- Matutukoy ang mga natural na kalamidad o sakunang madalas maganap sa sariling komunidad.
- Makakukuha ng impormasyon tungkol sa mga epekto ng kalamidad sa kalagayan ng mga anyong lupa, anyong tubig at sa mga tao sa sariling komunidad.
- Masasabi ang mga wastong gawain/pagkilos sa tahanan at paaralan sa panahon ng kalamidad.
- Masasabi kung paano ibinabagay ng mga tao sa panahon ang kanilang kasuotan at tirahan.

Aralin 4: Mga Anyong Lupa ng Komunidad Ko.
MGA LAYUNIN
- Matutukoy at maipaliliwanag ang mga katangiang nagpapakilala ng sariling komunidad, tulad ng mga tanyag na anyong lupa at iba pa