
Aralin 1: Sino Ako?
MGA LAYUNIN
- Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino.
- Nailalarawan ang pisikal na katangian sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
- Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’ ibang paraan.

Aralin 2: Kailangan ko, Kailangan mo
MGA LAYUNIN
- Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili: pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at mga katangian bilang Pilipino.
- Nailalarawan ang pisikal na katangian sa pamamagitan ng iba’t ibang malikhaing pamamaraan.
- Nasasabi ang sariling pagkakakilanlan sa iba’ ibang paraan.

Aralin 3: Kuwento Ko Ito!
MGA LAYUNIN
- Matutukoy ang mahahalagang pangyayari sa buhay simula isilang hanggang sa kasalukuyang edad gamit ang mga larawan;
- Mailalarawan ang mga personal na gamit tulad ng laruan, damit at iba pa mula noong sanggol hanggang sa kasalukuyang edad;
- Makikilala ang timeline at ang gamit nito sa pag-aaral ng mahahalagang pangyayari sa buhay hanggang sa kasalukuyang edad;
- Maipakikita sa pamamagitan ng timeline at iba pang pamamaraan ang mga pagbabago sa buhay at mga personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa kasalukuyang edad;
- Makapaghihinuha ng konsepto ng pagpapatuloy at pagbabago sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod; at
- Maihahambing ang sariling kuwento o karanasan sa buhay sa kwento at karanasan ng mga kamag-aral.

Aralin 4: May Pangarap Ako.
MGA LAYUNIN
- Mailalarawan ang mga pangarap o ninanais para sa sarili.
- Matutukoy ang mga pangarap o ninanais.
- Maipakikita ang pangarap sa malikhaing pamamaraan.
- Maipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mga pangarap o ninanais para sa sarili.
- Maipagmamalaki ang sariling pangarap o ninanais sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan.